Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2021

Ang Pag-asang Bitbit ni Teacher Julito Para sa Kanyang mga Ka-tribu

Pasan-pasan ang isang maliit na blackboard at bitbit ang ilang kagamitang pampagtuturo, tinutungo ni Titser Julito G. Dewil ang mga malalayong purok na nakapaligid sa Segafu Esgapo Integrated School, isa sa mga pinakamalayong paaralan sa bayan ng Glan, Sarangani Province.  Bahagi ito ng kanilang Brigada Pagbasa upang matulungan ang mga mag-aaral na matutong magbasa lalo pa’t ang pamamaraan ng pagtuturo na gagamitin nila sa pagbubukas ng klase ngayong Setyembre ay modular distance learning.  Naglalakad si Titser Julito sa maputik na daanan ng mahigit isa at kalahating oras upang marating ang mga kabahayan sa sitio Lanao Bon, purok Dugeng, purok Kaluga, at purok Yap, kung saan tinitipon niya ang mga bata upang turuang magbasa.  Si Julito o “Titser Juls” para sa kanyang mga mag-aaral ay isang katutubong Manobo at siya ang kauna-unahang naging teacher mula sa sitio Lanao Kapanglao kung saan siya naninirahan.  Ipinangako niya sa sarili na kung makakapasa siya sa Licensure Examination for Te