Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2022

ASEC BRINGAS, HANGA SA KAHANDAAN NG SARANGANI, REHIYON DOSE

Para kay DepEd Assistant Secretary for Field Operations Francis Cesar B. Bringas, matagumpay ang pagbubukas ng face-to-face classes sa Sarangani at maging sa buong Rehiyon Dose. Ito ay personal niyang nasaksihan sa kanyang pagbisita rito nitong ika-22 at 23 ng Agosto. “Bakit successful?” retorikal niyang tanong bilang bahagi ng kanyang mensahe sa isang maikling pagtitipon sa Malandag National High School sa bayan ng Malungon kahapon. “Kitang-kita sa attendance ng mga bata, kitang-kita sa attendance ng mga guro, at kitang-kita sa mukha at mga mata ng bawat estudyante at guro na nakita ko sa loob ng paaralan kung gaano sila kasaya at kung gaano sila ka-determinado na gawing matagumpay ang face-to-face classes,” paliwanag niya. Dagdag pa ni Asec. Bringas na pinipili niyang bisitahin ang mga malalaking paaralan dahil ayon sa kanya, kung kayang gawing maayos ang pagpapalakad sa mga malalaking paaralan, lalo’t higit na kayang-kayang pamahalaan nang maayos ang pagpapatupad ng face-to-face cla

LIGTAS DAPAT: SCHOOL NURSES SA SARANGANI BUMISITA SA MGA PAARALAN SA UNANG ARAW NG PASUKAN

Sa gitna ng pananabik ng mga kabataan at magulang sa muling pagbubukas ng mga paaralan ngayong unang araw ng SY 2022-2023, paalala ng School Health and Nutrition Section ng DepEd Sarangani na unahin dapat ang kaligtasan ng lahat. Ayon kay Mary Rose Wenna Ea, Nurse II, napag-alaman na sa kanilang paglilibot, may ilang mga mag-aaral na pumasok pa rin kahit mayroong lagnat. Sa entrance pa lamang ay sinusukat na ang temperatura ng lahat na pumapasok sa paaralan at agad na dinadala sa isolation area at pinapasundo sa magulang o guardian. Pinapayuhan naman ang mga magulang na huwag munang hayaang makihalubilo sa iba ang mga batang may lagnat at huwag na munang papasukin sa klase. “Kailangang mapangalagaan natin ang bawat isa -- lalo na ang mga kabataan -- dahil magkakasama na sa isang silid ang mga bakunado at hindi bakunado,” paliwanag ng nars. Dagdag pa niya na mahalagang mapanatili ang maayos na bentilasyon sa mga silid-aralan at kailangan laging nakasuot ng mask. Sa kanilang

Paghahanda para sa SY 2022-2023 itinodo ng DepEd Sarangani

Ang pagbubukas ng klase ngayong Taong Panuruan 2022-2023 ang isa sa mga pinakaaabangan at pinaghahandaan hindi lamang ng Kagawaran ng Edukasyon kundi ng buong komunidad. Inaasahan na kasi ang muling pagbabalik ng mga mag-aaral sa mga paaralan sa mas pinalawak ng face-to-face classes. Kaya naman itinodo na rin ng Schools Division of Sarangani ang paghahanda. Nitong Hulyo inilabas ng pamunuan ng SDO Sarangani ng Division Memorandum 217 s of 2022 o Orientation on DepEd Order 34 series of 2022 and Presentation of School Readiness for School Year 2022-2023. Inilatag ng mga mga punong guro sa mga Education Program Supervisor at District Supervisor ang kanilang mga paghahanda at mga gawain tungkol sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto. Nagbigay naman ng technical assistance ang Dibisyon ng Sarangani sa mga punong guro tungkol sa pagsunod sa mga panuntunang nakasaad sa DepEd Order 34 tungkol sa School Calendar at DepEd Order 35 na tungkol naman sa Enrollment Procedures. Kabi-kabila ang mga pam

Friends of Hope Foundation to build 3-classroom building at Likon ES

The construction of a three-classroom building at Likon Elementary School is expected to begin soon, after the groundbreaking ceremony that was held there yesterday, August 17. "It’s a dream come true indeed! Finally, Likon Elementary School will have its own concrete classroom building very soon," Likon ES administration posted on their social media page. School head Bryan Ramirez is thankful to Friends of Hope Foundation, Inc., and Vita Coco for realizing the school's eight-year dream of having its own school building. Senior Education Program Specialist Romeo L. Martin of DepEd Sarangani Social Mobilization and Networking section was present at the groundbreaking ceremony along with April Barrientos representing Friends of Hope Foundation, District Supervisor Johnny Bantulo, Noel Morido from the municipal LGU, and representatives from the Barangay Council of Domolok, Alabel. Friends of Hope Foundation has been a long-time partner of DepEd Sarangani in providing classro

Sarangani wins Best News Report, other awards on DepEd Dose sa Ere Midyear Awards 2022

Sarangani won the top prize in the DepEd Dose sa Ere Midyear Awards 2022. The news on the conduct of face-to-face graduation exercises in last mile schools in North Glan II district produced by the team of Justine Kyle Imperial, Gerald V. Lauglaug, Limrey Galicia, and Willie G. Andoy won as Best News Story in the DepEd Dose sa Ere Midyear Awards held virtually today, August 11 via DepEd Tayo Facebook pages in SOCCSKSARGEN. Three other stories from DepEd Sarangani were also recognized for exemplifying and promoting the core values of the Department of Education. The news story produced by Ariel C. Lalisan, Maiden A. Ouano, and James B. Melgo on the restoration of the Gabaldon building at Glan Central Integrated SPED Center won 2nd place as Outstanding Makabayan Episode, while the story on the blessing of the facilities at the Sarangani National Sports Academy produced by Bryll O. Regidor, Maiden A, Ouano, and Rochell B. Morido and the story on the gains of the implementation of LR on WH

FILIPINIANA, KATUTUBONG KASUOTAN TAMPOK SA PAGBUBUKAS NG BUWAN NG WIKA

Sinalubong ng Dibisyon ng Sarangani ang pagbubukas ng Buwan ng Wika sa pamamagitan ng pagsuot ng Filipiniana at Katutubong Kasuotan at mga palamuti. Sa pangunguna ng Curriculum Implementation Division, naging makulay ang unang flag ceremony sa buwan ng Agosto. Unang ipinagdiwang ang Linggo ng Wika tuwing ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril ayon sa mando ng Presidential Proclamation No. 35 na nilagdaan ni Pangulong Sergio OsmeƱa noong 1946. Itinaon ang pagtatapos ng selebrasyo sa kaarawan ng kinikilalang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" sa si Francisco Balagtas na kilala rin bilang Francisco Baltazar. Inilipat ni Pangulong Ramon Magsaysay ang pagdiriwang tuwing ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril noong 1954 at muling inilipat sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto sa bisa ng Proclamation No. 186. Itinaon naman ang pagtatapos ng selebrasyon sa kaarawan ng "Ama ng Wikang Filipino" na si Pangulong Manuel Quezon. Ginawa namang Buwan ng Wika ang Agosto sa sa Proclam