Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Gender Awareness and Development

#KayaNgBabae: Pagkakapantay-pantay sa karera, isinusulong sa DepEd

Kung bilang lamang ang pag-uusapan, higit na nakalalamang ang kababaihan laban sa kalalakihan sa Kagawaran ng Edukasyon. Mas maraming “Ma’am” kaysa sa “Sir” ang nagtuturo sa mga paaralan. Ayon sa report ng Civil Service Commission, 71% ng mga empleyado sa DepEd ay babae. Subalit pagdating sa third-level positions, nasa 38% lamang ang mga pwestong hawak ng mga babae. Sa Rehiyon Dose, dalawa lamang sa walong Pansangay na Tagapamanihala ang babae. Ang anim ay pawang kalalakihan. Maituturing na kumplikado ang mga salik kung bakit sa kabila ng kanilang bilang ay kakaunti lamang ang umaangat sa mataas na pwesto. Katunayan, sa artikulong inilabas ng Civil Service Commission, plano umano nitong repasuhin ang mga sistema at polisiya na may kinalaman sa human resources. Sa parehong artikulo, itinatong ni Commissioner Karlo Nograles, kung may mga dahilan ba kung bakit mas mahirap para sa kababaihan ang umangat sa kanilang karera.   Ganito rin ang aming naitanong kay Ruvelyn Homecillo, Principal n